Tuesday, August 25, 2009
IDIOT DAY FOR ME
As if the issue was something that could hamper their promotion or something that will put their credibility into waste (as if they have a credibility). You know what? Most if not all who experience such torture in an office oftentimes led to hypertension or worst heart illness.
All employers want to have healthy employees thus assures them of ones productivity. Healthy lifestyle is promoted yet employers do know that attitude of employees towards their peers contributes to a stressful life.
Today was another encounter for me, a face to face confrontation with an idiot leftist and a feeling hunk with a load ego under his balls who feels he is good looking man. It’s funny yet we cannot hide the fact that this persons feel that they are too important and maintains a high status in their chosen career (being a foto journ daw) and a feeling busy information officer that oftentimes without any press release in a week (the nerve).
Whew!!!!! For almost 13 years that I have stayed here, it is so sad to note that I am already bored with this kind of work. I thought growing in an organization that governs people and the community as a whole is an inspiring and very noble field.
Unfortunately it’s not as savory as the sashimi tuna nor the tuna embotido or the sinugbang panga. In truth it’s a way to your grave and some of your officemates are the human version of “KAMATAYAN”.
How I wish I can own my time and earn without a boss or having an ill minded co workers. For sure not now, one day I can go out from this and show to them how lucky are they for not having me as their officemate. Nice day everyone.
Sunday, April 19, 2009
WALA PANG INILABAS NA BAGONG PRANGKISA – MTFRB Gensan
Wala pang bagong prangkisang ibibigay ang local na pamahalaang panlungod ng Heneral Santos, ito ang naging pahayag ni Ernesto Castaneda, Action Officer ng Motorized Transportation Franchizing & Regulatory Board (MTFRB) sa ginanap na press conference sa city hall.
Ito’y matapos kumalat ang impormasyon na meron daw mga bagong prangkisang inilabas ang MTFRB. Niliwanag ni Castaneda na maaring ang mga transfer of franchise ng tinutukoy sa nasabing usapin sapagkat may mga prangkisang inilipat sa mga bagong may ari ng traysikel ng dati ng may prankisa ang nareles kamakailan.
Sa kabuuan umabot na sa 5,300 na mga tricycle ang nabigyan ng prangkisa ngunit 3,209 nakapag renew. Higit 1,392 ang hindi nakapag renew at kasalukuyang inaantay ng MTFRB kung silay magproseso pa ng kanilang renewal ng prangkisa.
Maliban dito umabot na din sa 1,515 na tricycle sa syudad na berde ang plaka kung kayat pag ito’y ginamit para pumasada ay illegal ito. Kaya naman nananawagan ang MTFRB na sundin ang nilagdaang Affidavit of Purpose ng notaryado ng abogado at pinirmahan ng may ari ng tricycle.
Ang paglabag sa nasabing affidavit ay nangangahulugan ng pagbabaliwala ng may ari ng tricycle na walang prangkisa at maari silang huluhin ng LTO.
Sa kabilang dako sinisikap naman ng lokal na pamahalaan na matapos na zoning scheme at maipatupad ito sa lalong madaling panahon. CPIO-ALJV 03/26/09
“Ipa-Cash ang Trash”- GSC Waste Management Board
“Ipa-Cash ang Trash”, ito ang panawagan ng General Santos City Waste Management Board sa gaganaping Recyclable Waste Fair sabay sa pagdiriwang ng International Earth Day ngayong April 22,2009 sa Gaisano Mall of Gensan.
Matatandaan na noong nakaraang taon naging sentro din ng selebrasyon ang nasabing fair kung saan tinipon ang lahat ng junkshops upang mamili ng recyclable na basura mula sa ibat-ibang establishment, tahanan at indibidwal sa syudad.
Ito ay upang maipalaganap sa lahat ng mamamayan ng lungsod ang mga bagay na binibili ng mga junkshops at ang Sustainable Waste Management Program. Kaya naman ngayong taon ang parehong kaganapan ulit ang gagawin upang mas lalong paigtingin ang kampanya ng lungsod sa tamang pagtatapon ng basura.
Noong unang lingo ng Marso matatandaang pinangunahan din nina US Ambassador Kristy Kenny, Congresswoman Darlene Antonino Custodio, at City Mayor Pedro B. Acharon,Jr. ang paglulunsad ng Kampanya Kontra Basura ng syudad at barangay Lagao.
Ang tema ng nasabing programa ay “Para sa Kalinisan, Kalusugan at Kagandahan ng Gensan, Tayo’y Magtulugan” kung saan naging kaagapay ng lungsod ang USAID sa paglulunsad nito.
Kaya naman kasabay nito ang pakontest para sa pagbibigay ng pangalan ng mascot para sa programang ito ay binuksan at sa darating Recyclable Waste Fair ay makakasama ang nasabing mascot. Ang mananalo ay makakatanggap ng limang libong peso.
Ngayon pa lang ay masusi ng pinaghahandaan ng GSCWM Board ang nalalapit ng pagtitipon upang muling makamtan ang adhikain ng programa. Patuloy pa ring hinihimok ang lahat ng residente ng syudad at ang business sector na makilahok sa hakbanging ito.
Ang mga business establishment ay hinihiling na magsabit ng banners upang ipakita ang kanilang suporta sa programa. Umaasa ang GSCWM board sa patuloy na suporta ng bawat general upang maabot ang adhikain ang syudad ay tunay na isang Magandang Gensan. CPIO – ALJV 03/27/09
NOMINASYON SA YAMAN AWARDS BUKAS NA
Sa pahayag ni Joaquin Tiongco ng City Economic Management & Cooperative Development Office sa nakaraang Press Conference ni Mayor Acharon, patuloy pa rin ang pagbibigay ng karangalan sa mga matagumpay mamumuhunan ng syudad.
Pitong awards na kinabibilangan ng apat na regular awards na Entrepreneur of the Year( Juridical & Single Proprietors), Employer of the Year, Product Innovator of the Year, at special awards na Loyal Company of the Year, Local Tax Paper of the Year, at Emerging Entrepreneur ang papangalanan ngayong taon.
Samantala napili na ang grupo ng selection team na pipili sa mga karapat dapat na maging recipient ng award ngayong taon. Ito’y kinabibilangan nina Mr. Ismael Salih ng Phil Export, Mr. Orman Manansala ng City Bankers Association of General Santos, Mr. Patricio Blanza ng Department of Labor and Employment, Bro. John Tan ng Notre Dame of Dadiangas University, at Bro. Efren Reyes Bread of Life Ministries.
Magiging bahagi na din ng taonang parangal ang Sycip, Gorres & Velayo Accounting firm kasama si Ms. Alicia Lu upang masiguro na mapangalagaan ang integridad ng nasabing parangal.
Ang mga magwawagi sa Special Awards na Loyal Company of the Year, Local Tax Paper of the Year, at Emerging Entrepreneur ay makakatanggap ng P50,000 at tropeo samantalang P100,000 at tropeo para sa Entrepreneur of the Year( Juridical & Single Proprietors), P80,000 at tropeo para sa Employer of the Year, at P60,000 at tropeo para Product Innovator of the Year.
Tulad nong nakaraang taon inaasahan na mas magiging grandyoso at matagumpay ng pagbibigay parangal at patuloy na pinagsisikapan ng local na pamahalaan sa pamamagitan ng CEMCDO na parangalan at mabigyang halaga ang malaking kontribusyon ng business community sa pag unlad syudad. CPIO- ALJV 03/26/09
WORLD TB DAY pinagdiwang ng Simple
Sinimulan sa isang motorcade na umikot sa langsangan ng syudad at sabay sabay na nagdiwang ang mga partners at stakeholders na tumutulong labanan ang paglaganap ng sakit ng Tuberculosis o TB.
Ang “STOP TB: Kaya ko, Kaya mo” ang naging tema ng selebrasyon ngayong taon na nagpapahayag ng kakayanang sugpuin ng bawat isa ang nasabing sakit.
Ayon kay Dr. Jacinto Makilang kasalukuyang pinuno ng City Health Office, patuloy ang laban sa TB dahil patuloy pa din itong nagiging banta sa kalusugan ng bawat general. Siya’y naniniwala na sa pagtutulungan ng bawat grupong tumutugon sa problemang ito ay malalabanan ang paglaganap ng sakit.
Nagpahayag din ng kanyang suporta at pasasalamat si barangay captain at ABC President Lourdes Casabuena sa lahat ng dumalo at patuloy na tumutulong na ipalaganap ang kaalaman sa pag sugpo sa naturang karamdaman.
Isang masayang pagbati ang kanyang pambungad sa lahat ng naroon at nagpapahalaga sa hakbanging ginagawa ng local na pamahalaan at World Vision upang maibigay sa mga may sakit na TB ang karampatang lunas.
Malugod ding binati ni City Councilor Jose Orlando Acharon ang lahat ng dumalo at kasapi sa paglaban sa TB. Ito’y nangako din ng suporta sa lahat ng hinaharap pang hakbang para gamutin ang mga may sakit na TB sa syudad.
Nagtapos ang pagtitipon sa isang screening ng mga inimbitang mamayan ng syudad na maaring dinapuan ng nasabing karamdaman. CPIO - ALJV
37 Trainees ng San Isidro nagtapos na
Matagumpay na nairaos ng 37 trainees mula sa Sarangani Homes Phase 1 Barangay
Sa kanilang pagtatapos kahapon Marso 23,2009, di maipinta ang kasiyahang nadama ng mga nagtapos sa kanilang nakamit na prebelihiyo mula sa nasabing pagsasanay.
Sa tulong ng mga dalubhasa mula sa Technical Education & Skills Development Authority (TESDA), natutunan ng mga nagsipagtapos ang tamang kaalaman sa pag-gawa ng tamang koneksyon ng wiring at pagkabit ng iba pang electrical accessories sa loob ng isang gusali.
Masayang tinanggap ang kanilang sertipiko habang nanonood ang kanilang kapamilya sa nasabing pagtitipon-tipon. Labis din ang katuwaan ng mga nanguna sa theory at actual sa paglalagay ng mga kawan ng kuryente sapagkat silay nabigyan ng medalya at gamit sa paglagay ng linya ng kuryente.
Naging pangunahing tagapasalita si Vice Mayor Florentina Congson, kung saan naghayag sya ng kagalakan sa tugon ng mga residente ng nasabing komunidad na makibahagi sa naturang programa.
Isang hamon din sa mga nagtapos na gamitin ang kanilang natutunan upang madagdagan ang kita ng pamilya liban sa pagyamanin ang kaalamang kanilang nakamit ng libre.
Samantala, hinimok naman ni Engr. Jacinto Sales ng TESDA na organisahin ang kanilang grupo upang tumanggap ng ibat-ibang trabaho mula sa home owners association ng nasabing subdibisyon.
Pasasalamat naman ang namutawi sa mga nagtapos sa suportang kanilang natanggap at nangakong pagyamanin nang natutunang kaalaman.
Sa pamamagitan ng Youth Affairs & Development Office ng pinamumunuan ni Elmer Cequina pinunduhan ang nasabing programa upang sanayin ang mga resident eng syudad sa ibat-ibang kaalaman upang makapagbigay ng kabuhayan sa kanilang pamilya. CPIO - ALJV
Pooh at K tuloy na sa Gensan
Pooh at K tuloy na sa Gensan
Show ng sikat ng stand up comedians na si Pooh at K Brosas dito sa syudad ng “Pooh K Laugh til You Drop” ay tuloy na tuloy na sa April 19,2009 ayon kay Ira Valencia isa sa mga producer ng palabas sa press conference ni Mayor Jun Acharon.
Matapos maproseso ang mga kinakailangang permits at pagdaraosan ng show malugod ng inihayag ang palabas ng gagawin ng dalawang nasabing performers mula sa Maynila.
Si Pooh ay sikat sa pang gagaya sa boxing champ ng Pilipinas na si Manny Pacquiao kaya naman naging screen name na niya ang Manny Pooh Kyaw. Maliban dito isa din sya sa mga sikat na comedian sa telebisyon at sine.
Samantalang si K Brosas naman ay kilala din sa nasabing larangan subalit naging tatak na nya ang pagiging singer kung saan sya ay dating kasapi sa grupong K and the boxers kasama ang kilala ding singer comedian na si Gladys Guevarra.
Pinasikat ng kanilang grupo ang kantang “Sasakyan Kita” at naging phenomenal naman ang pagsikat ni Pooh Kyaw matapos mag guest sa Wowowee.
Ayon kay
Dagdag pa niya na ang Gensan ay isa sa mga lugar kung saan plano nilang dadalhin ang iba pang lokal at international artist na magpapalabas din. Nakita nila na malaki ang potensyal ng syudad pagdating sa pagtangkilik ng nasabing mga palabas.
Ang show ay gaganapin sa General Santos City Gym at mabibili ang ticket ng show sa halagang 150,250,400 at 600 pesos. CPIO – ALJV 03/26/09