Sunday, April 19, 2009

37 Trainees ng San Isidro nagtapos na





Matagumpay na nairaos ng 37 trainees mula sa Sarangani Homes Phase 1 Barangay San Isidro nitong syudad ang isang buwang pagsasanay sa Building Wiring Electrician na pinunduhan ng pamahalaang panlungsod.

Sa kanilang pagtatapos kahapon Marso 23,2009, di maipinta ang kasiyahang nadama ng mga nagtapos sa kanilang nakamit na prebelihiyo mula sa nasabing pagsasanay.

Sa tulong ng mga dalubhasa mula sa Technical Education & Skills Development Authority (TESDA), natutunan ng mga nagsipagtapos ang tamang kaalaman sa pag-gawa ng tamang koneksyon ng wiring at pagkabit ng iba pang electrical accessories sa loob ng isang gusali.

Masayang tinanggap ang kanilang sertipiko habang nanonood ang kanilang kapamilya sa nasabing pagtitipon-tipon. Labis din ang katuwaan ng mga nanguna sa theory at actual sa paglalagay ng mga kawan ng kuryente sapagkat silay nabigyan ng medalya at gamit sa paglagay ng linya ng kuryente.

Naging pangunahing tagapasalita si Vice Mayor Florentina Congson, kung saan naghayag sya ng kagalakan sa tugon ng mga residente ng nasabing komunidad na makibahagi sa naturang programa.

Isang hamon din sa mga nagtapos na gamitin ang kanilang natutunan upang madagdagan ang kita ng pamilya liban sa pagyamanin ang kaalamang kanilang nakamit ng libre.

Samantala, hinimok naman ni Engr. Jacinto Sales ng TESDA na organisahin ang kanilang grupo upang tumanggap ng ibat-ibang trabaho mula sa home owners association ng nasabing subdibisyon.

Pasasalamat naman ang namutawi sa mga nagtapos sa suportang kanilang natanggap at nangakong pagyamanin nang natutunang kaalaman.

Sa pamamagitan ng Youth Affairs & Development Office ng pinamumunuan ni Elmer Cequina pinunduhan ang nasabing programa upang sanayin ang mga resident eng syudad sa ibat-ibang kaalaman upang makapagbigay ng kabuhayan sa kanilang pamilya. CPIO - ALJV

No comments: