Sunday, April 19, 2009

WORLD TB DAY pinagdiwang ng Simple

Isang simpleng pagdiriwang ng World TB Day ang ginanap ngayong araw ng Martes Marso 24, 2009 na dinaluhan ng mga health workers at providers, mag- aaral at guro ng ibat-ibang kolehiyo ng syudad sa oval covered court.

Sinimulan sa isang motorcade na umikot sa langsangan ng syudad at sabay sabay na nagdiwang ang mga partners at stakeholders na tumutulong labanan ang paglaganap ng sakit ng Tuberculosis o TB.

Ang “STOP TB: Kaya ko, Kaya mo” ang naging tema ng selebrasyon ngayong taon na nagpapahayag ng kakayanang sugpuin ng bawat isa ang nasabing sakit.

Ayon kay Dr. Jacinto Makilang kasalukuyang pinuno ng City Health Office, patuloy ang laban sa TB dahil patuloy pa din itong nagiging banta sa kalusugan ng bawat general. Siya’y naniniwala na sa pagtutulungan ng bawat grupong tumutugon sa problemang ito ay malalabanan ang paglaganap ng sakit.

Nagpahayag din ng kanyang suporta at pasasalamat si barangay captain at ABC President Lourdes Casabuena sa lahat ng dumalo at patuloy na tumutulong na ipalaganap ang kaalaman sa pag sugpo sa naturang karamdaman.

Isang masayang pagbati ang kanyang pambungad sa lahat ng naroon at nagpapahalaga sa hakbanging ginagawa ng local na pamahalaan at World Vision upang maibigay sa mga may sakit na TB ang karampatang lunas.

Malugod ding binati ni City Councilor Jose Orlando Acharon ang lahat ng dumalo at kasapi sa paglaban sa TB. Ito’y nangako din ng suporta sa lahat ng hinaharap pang hakbang para gamutin ang mga may sakit na TB sa syudad.

Nagtapos ang pagtitipon sa isang screening ng mga inimbitang mamayan ng syudad na maaring dinapuan ng nasabing karamdaman. CPIO - ALJV

No comments: