Sunday, April 19, 2009

Pooh at K tuloy na sa Gensan


Pooh at K tuloy na sa Gensan

Show ng sikat ng stand up comedians na si Pooh at K Brosas dito sa syudad ng “Pooh K Laugh til You Drop” ay tuloy na tuloy na sa April 19,2009 ayon kay Ira Valencia isa sa mga producer ng palabas sa press conference ni Mayor Jun Acharon.

Matapos maproseso ang mga kinakailangang permits at pagdaraosan ng show malugod ng inihayag ang palabas ng gagawin ng dalawang nasabing performers mula sa Maynila.

Si Pooh ay sikat sa pang gagaya sa boxing champ ng Pilipinas na si Manny Pacquiao kaya naman naging screen name na niya ang Manny Pooh Kyaw. Maliban dito isa din sya sa mga sikat na comedian sa telebisyon at sine.

Samantalang si K Brosas naman ay kilala din sa nasabing larangan subalit naging tatak na nya ang pagiging singer kung saan sya ay dating kasapi sa grupong K and the boxers kasama ang kilala ding singer comedian na si Gladys Guevarra.

Pinasikat ng kanilang grupo ang kantang “Sasakyan Kita” at naging phenomenal naman ang pagsikat ni Pooh Kyaw matapos mag guest sa Wowowee.

Ayon kay Valencia, bahagi ito ng kanilang unang subok sa marami pang performers na dadalhin sa syudad. Galak naman nyang ibinahagi ang maayos na pagtanggap ng lokal na pamahalaan sa kanilang gagawing show.

Dagdag pa niya na ang Gensan ay isa sa mga lugar kung saan plano nilang dadalhin ang iba pang lokal at international artist na magpapalabas din. Nakita nila na malaki ang potensyal ng syudad pagdating sa pagtangkilik ng nasabing mga palabas.

Ang show ay gaganapin sa General Santos City Gym at mabibili ang ticket ng show sa halagang 150,250,400 at 600 pesos. CPIO – ALJV 03/26/09

No comments: